Philippine Road Trip Essentials Checklist manila

Philippine Road Trip Essentials Checklist

Uy, Beshie! Tara, road trip? Alam mo na — traffic sa EDSA, nahihilo sa zigzag roads, at ‘yung biglang suka moment ng tropa. Classic Pinoy road trip vibes, di ba? Pero wag ka, hindi complete ang biyahe kung kulang ang road trip essentials mo. 

From your packing list for vacation to the pinaka-solid na road trip must haves like IslaDry’s microfiber travel towel (na legit quick-dry, hindi ka maghihintay ng century para matuyo), handa ka na for the best biyahe ever!

isladry compact towel quick-dry

At the end of the article, meron tayong FREE ROAD TRIP ESSENTIALS CHECKLIST na pwede mong i-download at i-print para sa hassle-free packing! Kaya scroll-scroll lang dyan. Let’s go!

Road Trip Essentials for Every Filipino Traveller

Alam mo na, hindi biro ang road trip sa Pinas — lalo na kung kasali ang Tropang Gutom at Selfie King/Queen. From random stopovers sa gas stations to impromptu beach trips, eto na ang kailangan mong dalhin para walang aberya.

Gadgets and Power Solutions

Walang kwenta ang biyahe kung walang documentation! Syempre, kailangan complete ang tech arsenal mo — pang-IG stories at TikTok dance challenge sa gitna ng bundok.

▢ Fully charged power bank (dalawa kung makalimutin ka!)

▢ Car charger (para sa tropang laging lowbat)

▢ Phone with updated GPS (Waze or Google Maps)

▢ Phone Charger

▢ Camera for the best “Woke up like this” shots

▢ Waterproof pouch (lalo na kung may island hopping plans)

▢ Laptop and charger(sa mga hustler na nag-o-OT kahit nasa Tagaytay)

Money

Real talk: Hindi lahat GCash-ready, pero dapat may GCash ka rin. Minsan Php10-20 lang ang kailangan para sa CR stopover sa Laguna o Pangasinan, pero kung wala kang coins? Good luck!

▢ Cash

▢ Coins (pang-bayad sa CR at kwek-kwek sa stopover)

▢ Laman sa GCash (pwede ring PayMaya, pero mas bihira lang to sa mga shops)

▢ Laman sa RFID and EasyTrip pag mag-eexpressway

Tip: I-double-check ang laman ng RFID at EasyTrip para sa NLEX at SLEX. 

Here’s the fare matrix for Class 1 (private cars) when you use the North Luzon Expressway (NLEX) and the Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

For the full list and the fare matrix for Class 2 and Class 3 vehicles, you may check them here

nlex sctex toll rates 2025

 

For South Luzon Expressway (SLEX), see the full list here

slex toll rates 2025

For Star Tollway (Apolinario Mabini Super Highway) – ito yung papuntang Batangas, the fare matrix is as follows:

star tollway rates

Clothing and Travel Wardrobe Essentials

Syempre, dapat fresh ka all the time. Iwas amoy pawis sa tropa. Heto ang sikreto: ang 4-3-2-1 rule! Yun 4-3-2-1 rule ay para sa 3D2N stay. Mag-adjust nalang kung ilang araw kayo mag-stastay. 

Wardrobe Planning: The 3-2-1 Rule

4 pairs of underwear, 3 tops (para may pang-IG OOTD daily), 2 bottoms (shorts para sa beach at pants sa hiking), at 1 jacket (para sa lamig ng Baguio at Tagaytay). Kung di ka pa rin makapili, ay nako, magdala ka na lang ng kabayo!

▢ 4 Pairs of Underwwear – Para may extra ka

▢ 3 Tops – For beach vibes, chill nights, and unli picture-taking

▢ 2 Bottoms – One pair of shorts, one pair of pants

▢ 1 Jacket – Pampalaban sa mainit at malamig na hangin

▢ 1 Swimsuit – Para handa sa biglaang "tara, swimming tayo!"

▢ 1 Pair of Sleepwear – if kailangan mo mag pajama

▢ 1 Lightweight Scarf – Pang-arte sa photoshoot

▢ 1 Pair of Slippers – Para hindi ka nakarubber shoes kapag nasa hotel or accommodation

▢ 1 Portable Travel Bath Towel – Kasya sa bag, walang bulky drama

 

isladry travel bath towel

P.S. Hindi lahat ng accommodation ay nag-proprovide ng towel lalo na pag mag checheck-in sa transient, homestay, Airbnb, apartelle, o kaya mag-cacamping. Mas okay na yung siguradong meron tayong dalang towel para lagi tayong fresh.

You may also need to bring your towel to the places you’ll be going to – beaches, waterfalls, hot springs, private pools, islands, caves, waterparks, or any other tourist activity that involves water.

Road Trip Necessities for Adventure Lovers

Sa tropang "YOLO," eto ang sikreto para sa hassle-free na biyahe! Here are the must-haves that you need when road tripping with your barkada or family. 

Camping and Trekking Gear

▢ Tent – Kung magka-camping sa bundok na walang signal

▢ Camping chair – Pang-chill habang nagkakape sa kubo

▢ Flashlight with extra batteries – Essential sa cave adventures at brownouts

▢ First aid kit – Para sa mga nagtatangkang umakyat ng bundok pero nadudulas sa bato

▢ Sturdy hiking shoes or hiking sandals – Para sure-footed sa matarik na daan

Beach Essentials

Eh pano pag beach? Syempre, ibang laban ‘yan! Here’s what you need para sa isang solid na beach trip — whether sa Elyu, Hundred Islands, Baler, o simpleng day tour sa Batangas.

▢ Swimsuit – Pang-ready sa biglaang "tara, swimming tayo!"

▢ Snorkeling gear – Para hindi ka ma-FOMO habang nag-island hopping

▢ IslaDry Microfiber Travel Towel – Pang-wipe after swimming, quick-dry pa—hindi amoy kulob!

▢ Waterproof dry bag – Para sa mga gadgets at gamit na ayaw mong mabasa

▢ Waterproof Phone Case with Strap – Para makatake ka ng underwater selfies

▢ Water shoes – Para protektado ang paa sa matatalim na bato o corals

▢ Sunblock – Para hindi magmukhang inihaw sa araw

▢ Cooler with drinks – Walang mas refreshing kaysa sa malamig na drinks sa tabing-dagat

▢ Sunglasses at sombrero – Pamporma na, proteksyon pa sa araw

Ready na ang tropa sa kahit anong adventure — from bundok hanggang beach!

Toiletry and Skincare Essentials

‘Wag iwan ang glow-up game! Kahit sa beach o mountain, dapat fresh!

▢ Toothbrush and Toothpaste – Hindi pwede yung walang toothbrush toothbrush!

▢ Shampoo and Bar Soap – Shampoo sachet at maliit na bar soap lang para kasya sa bag

▢ Sunscreen – Para hindi ka magmukhang inihaw sa araw

▢ Moisturizer – Laban sa tuyong hangin

▢ Lip balm – PAMPAPULA kahit malamig sa Tagaytay

Food, Drinks, and Health Essentials

Snacks = Life. Period.

▢ Tubig or Water Bottle – Huwag ma-dehydrate, besh!

▢ Chips at tsokolate – Pang energy pag hiking

▢ Cooler – Para sa drinks na hindi lasang laway

▢ Candy – Pampalipas gutom at pag nahihilo

▢ First-aid kit – Band-aids (pang-gasgas sa tuhod), betadine, gauze, medical tape, antiseptic wipes, thermometer, at maliit na gunting.

Comfort Essentials

Sino ba namang gustong di kumportable sa road trip?

▢ Neck pillow – Para hindi ka mabali ang leeg sa long drives

▢ Eye mask at earplugs – Pampatulog kung maingay ang tropa

▢ Portable hand fan – Lalo na sa mainit na stopovers

▢ Blanket or shawl – Pampalaban sa lamig ng aircon sa van o bus

Travel tip: Pwede mo gamiting cover-up yung IslaDry towel mo pag masyadong malamig sa kotse. Hindi siya magaspang tulad ng regular towel, kaya comfortable pa rin siya gamitin.

P.S. Magtipid tayo ng mga dadalhin, kaya magdala ka nalang ng mga multipurpose items. 

▢ Medicines – Paracetamol (syempre, para sa lagnat at sakit ng ulo), loperamide (dahil walang gustong ma-"surprise" sa gitna ng biyahe), antihistamine (pang-allergy), gamot sa nahihilo (Bonamine, Beshie!), at personal medications kung meron.

Car Maintenance Essentials for Road Trips

Para sa tropang "drive to survive," siguraduhing handa ang sasakyan sa anumang biyahe. Walang mas nakakainis kaysa sa masiraan sa gitna ng NLEX o sa kalsada papuntang Baguio!

▢ Spare tire – Beshie, hindi ka makakarating sa destinasyon kung butas ang gulong! Laging may extra.

▢ Tire jack and lug wrench – Walang silbi ang spare tire kung wala ka nito. DIY flat tire fix para walang hassle.

▢ Jumper cables – Para kung mawalan ka ng battery sa gitna ng road trip, hindi ka magpapanic.

▢ Portable tire inflator – Perfect para hindi ka na pumila sa gas station pang-hangin.

▢ Coolant and engine oil – Pang-maintain ng good vibes ng makina, lalo na kung aakyat ng bundok.

▢ Flashlight with extra batteries – Pang-troubleshoot sa dilim kung magka-emergency sa daan.

▢ Basic tool kit – Screwdrivers, pliers, at adjustable wrench — pwedeng pang-diy fix sa minor issues.

▢ Emergency triangle and reflective vest – Pang-safety kung magka-breakdown sa expressway, para kita ka ng ibang sasakyan.

▢ Duct tape – Alam na natin, besh—pang-sagip sa lahat ng bagay (parang tropa mong marupok pero laging andyan sa oras ng pangangailangan).

▢ Car manual – Kung sakaling magka-problema, basahin bago tumawag sa mekaniko.

▢ Extra gasoline (in approved containers) – Lalo na kung pupunta sa remote na lugar na mahirap ang gas station.

Pro Tip: Bago umalis, i-check ang preno, ilaw, at gulong. Walang mas masayang road trip kaysa sa safe at smooth na biyahe!

Handa na ang sasakyan, handa na rin ang tropa — tara, biyahe na, besh!

Final Thoughts

Ayan na, Beshie! Na-check mo na ba lahat sa listahan? Kasi kung oo, ready ka na for the most sulit na road trip of your life!

Pero, unang una sa lahat: san ka punta? To the moon! Road trip, vroom, vroom. Skrr, skrr, zoom, zoom.

Road trips sa Pinas are full of surprises — mula sa biglang stopover para sa kwek-kwek at buko pie hanggang sa unplanned beach detours at selfie sessions sa may viewpoint ng bundok. Pero ang sikreto para sa smooth at hassle-free biyahe? Complete road trip essentials!

From gadgets for pangmalakasang IG stories to the iconic IslaDry microfiber travel towel na legit quick-dry (hindi ka maghihintay ng century para matuyo!), siguradong handa ka na from beach to bundok. 

isladry bath towel

‘Wag ding kalimutan ang skincare essentials para hindi magmukhang inihaw sa araw at car maintenance tools para walang aberya sa expressway.

At syempre, what’s a Pinoy road trip without good vibes, kantahan sa biyahe (OPM playlist, dapat!), at tawa kasama ang tropa?

Kung kumpleto ka na sa lahat ng essentials, wala nang makakapigil sa’yo. Byahe na, besh! Sulitin ang bawat stopover, enjoy every scenic view, at laging tandaan: The best memories come from the most spontaneous adventures. 

Pag ready ka na, i-print mo na to para check check ka nalang diyan pag nag-iimpake!

DOWNLOAD THE FULL ROAD TRIP CHECKLIST HERE!

Tara, road trip na! 🚗💨✨🎒🏝️🏕️

 

Back to blog